Dating ka-Love Team ni Isabel Granada, may ipinost sa kaniyang Facebook tungkol kay Isabel na talagang nakapagpaiyak sa marami.


Hindi pa rin makapaniwala si Chuckie Dreyfus, 43, na pumanaw na ang dating ka-love team na si Isabel Granada, 41.


Isa si Chuckie sa mga kaibigan ni Isabel na nanawagan upang ipagdasal ang sana'y mabilis na paggaling ng aktres mula nang ma-comatose ito sa Doha, Qatar, noong Oktubre 24.


Sa kanyang Facebook post ngayong araw, November 5, naghayag ng pagdadalamhati si Chuckie sa pagpanaw ni Isabel.


"Maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo. Sa lahat ng panahon na pinasaya mo ako at ang pamilya ko. Sa pagmamahal na lagi mong pinaramdam sa akin ng buong puso.
"Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan.
"Kasama mo nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik.
"Ayoko pa rin maniwala.
"Sana sa panaginip man lang makita at makausap kita kahit papaano. Kahit man lang doon.
"Paalam, Isa.
"Mahal na mahal na mahal kita.


Halos magkasabay sina Chuckie at Isabel na lumaki sa showbiz.
Una silang nagkatrabaho sa That's Entertainment, ang defunct Kapuso youth-oriented show na umere mula 1986 hanggang 1996.
Kinalaunan ay naging magkatambal sila sa magkakasunod na pelikula mula 1989 hanggang 1990: Magic To Love, Isang Araw Walang Diyos, Huwag Kang Hahalik sa Diyablo, Papa's Girl, Lessons In Love.
Noong 2011, nagkaroon ulit sila ng pagkakataong magkatrabaho sa reality show ng GMA Network, ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.
Dating ka-Love Team ni Isabel Granada, may ipinost sa kaniyang Facebook tungkol kay Isabel na talagang nakapagpaiyak sa marami. Dating ka-Love Team ni Isabel Granada, may ipinost sa kaniyang Facebook tungkol kay Isabel na talagang nakapagpaiyak sa marami. Reviewed by Admin on November 05, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.