IBINAHAGI NA NIYA ANG KANIYANG SEKRETO KUNG PAANO SIYA NANALO SA LOTTO NG DALAWANG BESES!


ISANG  napakaswerteng lalaki sa Amerika ang nanalo ng $1 million dollar jackpot sa pangalawang pagkakataon. Hindi makapaniwala ang 48-anyos na karpinterong si Bruce Magistro na mananalo muli siya ng jackpot sa lotto apat na taon matapos niyang unang tamaan ito.

Ngunit noon pa lang na ibinigay sa kanya ang higanteng tseke para sa una niyang panalo ay may kutob na ang lottery representative na si Yolanda Vega na mananalo ulit sa pa-ngalawang pagkakataon si Bruce.

Napaka-positibo raw kasi ng personalidad ni Bruce kaya hindi nakakapagtaka ang kanyang kakaibang suwerte, ayon kay Vega. Sa kabila ng kanyang dalawang beses na pagkakapanalo ay hindi naman iniisip ni Bruce na siya ay isang napakasu-werteng tao.

Namayapa kasi ang kanyang asawa dahil sa cancer matapos siyang manalo noong 2012. Malaki rin ang ginastos nila sa pagpapaospital kaya naniniwala siyang ang pangalawa niyang pagkapanalo ay ang paraan ng kanyang namayapang asawa upang makatulong sa kanya at sa kanilang mga anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ngayon ay plano ni Bruce na gastusin sa pagbabakasyon ang bahagi ng kanyang napanalunan ngunit hindi pa siya nakakapagpasya kung saan siya pupunta. Bagama’t mas maliit ang tsansa ng isang tao na manalo ng dalawang beses sa lotto ay marami na rin ang mga katulad ni Bruce na pinalad na manalo ng jackpot ng higit sa isang beses.

Isang lalaki sa Illinois noong 2012 ang nanalo ng $1 million matapos niyang mapanalunan ang jackpot siyam na taon na ang nakakaraan. Ngunit pinakamatindi pa rin ang suwerte ng isang babae na taga-Illinois din dahil anim na buwan lang ang pagitan ng dalawa niyang jackpot na panalo noong 2010.
IBINAHAGI NA NIYA ANG KANIYANG SEKRETO KUNG PAANO SIYA NANALO SA LOTTO NG DALAWANG BESES! IBINAHAGI NA NIYA ANG KANIYANG SEKRETO KUNG PAANO SIYA NANALO SA LOTTO NG DALAWANG BESES! Reviewed by Admin on October 05, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.